Tuesday, November 3, 2009

My Reflection (Homily: 28th Sunday of ORDINARY TIME October 10, 2009

Kadalasan, ang akala natin, ang kayamanan ang makapagbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan. Akala natin ang kayamanan ang makapagbibigay sa atin ng sapat at tahimik na buhay. Akala natin ang kayamanan angmagliligtas sa atin tungo sa Dyos. Ngunit iyan ay mga akala lamang natin. Sapagkat ang mga ito ay may hangganan—ika nga lilipas at kukupas din. Ang tunay na kayamanan ay ang pag-ibig ng DYOS na patuloy na kumikilos at nananahan sa ating buhay. Ang tunay na yaman ay ang yaman na nagmumula sa DYOS. Isang tanging yaman na hindi kumukupas at tunay na mapanghawakan hanggang sa wakas. Totoo nga na ang yamang galing sa lupa ay magbibigay sa atin ng kaginhawaan ngunit ang yamang galing sa Dyos ay kailanman hindi mapaparam.

Gayun na lamang po ang ipinapakita sa atin ngayon ng ebanghelyo. — kung paano naging hadlang ang kayamanan ng isang binata upang maglapit sana sa kanya sa Diyos at sa kapwa. Naging balakid sa kanya ang ibahagi ang kanyang kayamanan. Hindi nya kayang iwan ang mga ito…Nakakalungkot sapagkat hindi niya nakita ang kayamanang naghihintay sana sa kanya kung sumunod lamang siya sa sinabi ni Hesus…

Bilang mga tagasunod ni Kristo, hindi lang sapat ang sundin ang sampong utos ng DYOS bagkus tayo ay inaanyayahan na ibigay at ibahagi ang ating buong sarili na walang pag-aalinlangan, walang takot at walang pagdududa…Ang pagsunod kay Kristo ay ang pagtalikod sa lahat ng kayamanan dito sa lupa na handang yakapin at angkinin ang yamang ibibigay sa atin ng DYOS.

Siguro po marami ang nagtatanong sa ating mga sarili ngayon: Paano nalang kaming walang PERA, walang ari-arian, walang maibabahagi na materyal na bagay sa aming mga KAPWA? Maliligtas pa kaya kami?… Malulungkot din po kaya kami gaya ng binata?… Ang kayamanan ay hindi lamang ang salapi o mga ari-arian…Ito ay ang yaman din sa pamilya at sa lahat ng mga bagay… Kung tayo po ay handang talikuran ang yamang ito alang-alang sa DYOS at sa pagsunod ka KRISTO, siguro naman sapat na ito upang sabihin natin na buong giliw nating naibahagi ang ating mga sarili para sa DYOS…

PATAKBONG LUMAPIT… MALUNGKOT NA UMALIS…NAPAKAHIRAP…IPAGBILI LAHAT…MAGKAKAROON NG KAYAMANAN, BUHAY NA WALANG HANGGAN…

Kung gaano kasabik ang isang lalaki sa paglapit kay Hesus, ganun din ka lungkot ang kanyang pag-alis… Mahirap po talaga ang pagsunod kay KRISTO lalong lalo na kapag hindi natin kayang angkinin ang kanyang hamon sa atin —- ANG PAGTALIKOD SA ATING MGA SARILI…

Ang pagsunod ng isang mayamang binata sa sampong utos ng DYOS mula sa kanyang pagkabata ay hindi sapat para kay KRISTO bagkus ang pagsunod kay KRISTO ay ang pagbigay ng buong sarili, ang pagtalikodkahit sa mga pinapahalagahan natin…Ang pagbigay natin ng ating sarili sa DYOS ay ang pagkamit ng buhay na walang hanggan.

Likas sa ating pagkatao ang gawin lamang kung ano ang dapat…Pero para kay Hesus, mas may higit pa tayong dapat gampanan…Sabi nga skies the limit…

Ang isang tunay na tagasunod ni KRISTO ay ang taong HANDANG MAGBIGAY at MAGBAHAGI… Ano ba naman ang isang oras sa pagbibigay natin ng panahon para sa DYOS— sa pagsisimba, pakikinig sa salita ng DYOS…Ano ba naman ang isang oras sa pagbibigay ng panahon sa pamilya…Ano ba naman ang isang oras sa pakikinig ng kwento sa mga taong walang nagmamahal… Ano ba naman ang magbahagi ng ating mga biyaya sa mga taong nangangailangan ng pagkain, ng tubig, ng pagmamahal at respeto… Sa mga pagkakataong nahaharap tayo sa isang sitwasyon na kailangan nating magpasya, handa ba tayong yakapin ang hamon ng pagtalikod? Hindi naman talaga ang pagkakaroon ng yaman ang humadlang sa binata ngunit ang pag-aalinlangan nya na talikdan ang sarili na magbahagi at magbigay…

Ang isang tunay na tagasunod kay KRISTO ay ang taong alam kung ano ang PRIORIDAD sa buhay…kung ano ang nararapat…Sa sobrang dami nating gustong makamit at pinapangarap, minsan nakakalimutan natin na may higit pang dapat gawin at sundin. Nakakaligtaan natin ang mga bagay bagay na magbibigay sana sa atin ng tunay na KAGINHAHAWAHAN AT NANG TUNAY NA KAHULUGAN NG BUHAY… Ano po ba ang ating pinahahalagahan sa buhay? KAYAMANAN ba o KALIGTASAN?… PERA ba o buhay na walang hanggan?

PAGTALIKOD SA ATING SARILI —- ISANG HAMON NA nagsasabi sa atin — na ang DYOS ay mas higit pa sa lahat ng mga bagay… …HANDANG MAGBIGAY AT MAGBAHAGI — ISANG HAMON na nagsasabi sa atin —– ang pagkakaroon ba ng kayamanan ang humahadlang o ang pagka alipin natin sa ating kayamanan?PRIORIDAD ng ating buhay —– ISANG HAMON na nagsasabi sa atin —ano po ba ang uunahin natin: YAMAN o BUHAY….

Mga kapatid, tayo po ngayon ay inaaanyayahan ni Hesus na tanggapin ang yaman na nanggaling sa kanya—ang kanyang nag-uumapaw na PAG-IBIG at ang buhay na walang hanggan… Hindi lamang sapat ang pagsunod sa mga batas at utos ng DYOS para makamit natin ang buhay na walang hanggan. Ang higit sa lahat ay tanggapin ang hamon ng ating Panginoong Hesus — ang pagsunod sa kanya na naaayon sa isang tunay na alagad… Tayo po ba ay handang ibigay ang mga bagay na ating pinahahalagahan tulad ng yaman na siyang humahadlang sa pag-ibig ng DYOS? Handa po ba tayong talikuran ang ating mga sarili alang-alang sa DYOS? O baka tayo rin ay uuwing malungkot?

PATAKBONG LUMAPIT… MALUNGKOT NA UMALIS…BUHAY NA WALANG HANGGAN…

No comments:

Post a Comment